Wednesday, 6 June 2018

Paano Malalaman kung ang Smartphone ay Tunay o Hindi (Imitation/Clone)

Kadalasan sa ating mga Pilipino ay 'di tayo pahuhuli pagdating sa teknolohiya. Kung ano ang brand ng phone ni kaibigan o ni mare tayo ay nahihilig.




Sa panahon ngayon  naglipanan ang mga pekeng smartphone sa Mobile Market. Binebenta nila ito sa murang halaga. Eh saan ka pa mura na branded pa (eh peke pala). Para maiwasan makabili ng mga pekeng smarthone basahin ang mga nakasulat sa baba.

1. Presyo. Unang una talaga magtaka na tayo kung ang presyo nito ay mura. Ika nga presyong "It's too good to be true". Pero mag-ingat kasi meron mga brand ng phone pareho lamang ang presyo.

2. Camera. Pagdating sa smartphone camera madalas ang ating ginagamit. Kaya kung medyo di malinaw ang camera ay dapat ka ng mag taka.

3. Storage. Dito ma sasave mga files mo gaya ng picture o videos. Kung madali po itong mapuno aba'y maliit lang ang storage ng phone at malaki posibilidad na clone ito.

4. Performance. Sa performnance mo talaga makikita ang kaibahan ng clone sa orihinal. Madalas ang clone ay napa ka lag gamitin. Matagal mg respond ang screen tuwing pindutin mo ito.

Sa mga may planong bumili ng bagong smartphone maging maalamin po tayo sa pagbili ng di tayo ma purwesyo at di masayang pera ninyo.